Tabulas.com
Login | Register

Sliced Cucumbers

    home profile gallery links favorites content friends friends of archives




    18-year-old freak.
    Student Nurse.
    Rakista.
    Rock Band Vox.


    your name:

    url:

    your message:

    Currently Reading:






    cucumber
    cylindrical green fruit with thin green
    rind and white flesh eaten as a vegetable
    by a self-confessed cucumber freak.

    Listen to "Amber" of 311.

    Gusto ko itong song na toh.



    moon phases
     


    Entries for November, 2004

    November 3, 2004 Erap vs. Mays Gilliam
    Posted at 05:20 PM

    Anybody seen the movie Head of State starring Chris Rock? Yup.

    Now, Mays Gilliam and Erap are similar in several ways (in terms of running for presidency). Wala lang, hehehe.

    Masa ang focus, yun ngalang, Erap lacks this sincere love for his country.

    And, hindi hip-hop si Erap.

    No offense sa Erap loyalistas.

    Wala lang. Thoughts...

    Gusto mo suminga?

    November 3, 2004 2nd Sem
    Posted at 05:28 PM

    Just enrolled awhile ago.

    Back to school on Nov. 8!

    I would no longer be seen hanging around on Mondays, Tuesdays and Wednesdays dahil....

    MTW: 8am - 8pm [A309]
    (of course may mga breaktime yan but I'd be wearing my uniform so kahit breaktime pa, bawal nang tumambay- tambay)

    BUT:

    ThFS
    4:00-5:00 pm
    only one subject and I don't have to wear my uniform and so I could hang out paren and go anywhere.

    AND:

    NO MORE SUNDAY CLASSES.
    Yehey!!!!

    Gusto mo suminga?

    November 5, 2004 Panaghinip
    Posted at 12:37 PM

    Ang galeng ng dream ko. Bidang bida ako (natural, panaghinip ko nga eh).

    May apat na pokitang babaeng conyo. Pinag-uusapan nila ako dahil hindi daw nila ako trip. Tinuro ko silang tatlo. Heto ang sabi ko sakto:

    "Hoy kayo diyan, hindi ko kayo gusto. Hindi kayo maganda. Kung gusto niyong makaapak ng college na walang kaaway, ayusin niyo sarili niyo. Wag na wag kayong magpapakita saken."

    Malumanay ko lang sinabi yun tapos umiyak daw sila. Ang korni ng sinabi ko punyeta feeling mataas ako ah! Punyeta ang dugyot ko talaga pag nasa panaghinip lang ako. Muahahaha.

    Gusto mo suminga?

    November 5, 2004 Ano Ka? Harry Potter?
    Posted at 12:58 PM

    May ginawa akong account a few months ago sa friendster for Wiccans.

    There was this certain guy who kept on sending messages asking me a few stuff about Wicca. Then he told me that he'd encountered 'demonds' (take note of the letter d that he added in the word) and mischievious spirits. I replied telling him that demons are not included in the belief system of Wicca. Then he replied with this:

    Well, in contrary to belief, there are demonds in
    this earth.
    They usually are dormant part of everything around
    us thesame as that of the existence of good, but in
    times where they begin to let their forces be
    known, they tend to manifest as spirits of
    destruction.
    There is evil on earth, pure yet seemingly
    untapped until now.
    You mean you haven't seen or experienced
    demonic contact yet?



    Another:

    I mean demonds and other mischievous spirits.
    They can be so annoying sometimes.
    Why? haven't you had the chance to encounter
    such beings?

    Dont worry, I dont harm those which are not a
    threat to mortals.


    Ermm, I haven't experienced demonic contact yet because I'm not interested with demons. All I know is, Wicca is not concerned with those kind of stuff.

    In order to clear that thing up, here's a little something from the Celtic Connection:

    "We do not worship Satan or consort with Demons. Satan is a Christian creation and they can keep him. We do not need a paranoid creation of supreme evil and eternal damnation to scare us into doing the right thing and helping others. We choose to do the right thing and love our brothers and sisters because it IS the right thing and it feels good to do it. I suppose it is a maturity thing."

    Gusto mo suminga?

    November 6, 2004 The Incredibles
    Posted at 08:22 PM

    Hindi ko naman talaga papanoorin itong movie na toh kung hindi lang ako nilibre ng bf ng ate ko.

    I thought it was just another boring animated super hero movie for kids, well it is but this one's different in a way.

    I sorta kinda parang medyo liked it. Ngeh, basta nagustuhan ko siya and I'd like to watch it again. Hindi kasi nakakasawa.

    Tawa pa ng tawa yung friends ko while watching the movie kase parang ako daw si Violet, antukin na matamlay. Hahahaha.

    Panoorin niyo kung gusto niyong maaliw. Nice din yung story.

    *May sore eyes yung friend ko (si "KOLS" guy) and katabi ko siya sa panonood. Tapos share pa kami ng cheezy curls. And we even held hands pala earlier this day! (Yeah yeah pero wala nalang yun saken). Erk. Erk. Ayoko muna hawakan ang mata ko.

    Favorite character ko sa The Incredibles yung baby. Now look at that! Ang cute ng tianak na yan!


    Gusto mo suminga?

    November 6, 2004 Fishbol sa kanto. Maliliit na pipino. Mga pacokya.
    Posted at 08:57 PM

    Masarap talaga ang fishbol lalo na kung may Hepa B vaccine ka na (abusuhin ba) at lalo na kung maanghang ang sawsawan. Peboritsh ko simula pagkabata.

    Wala akong pake kung ano itsura ko habang kumakain ng fishbol sa kanto.

    Yung iba naman titingin sayo na parang nandidiri sila sayo dahil kumakain ka ng ganon. If I know, gusto rin nila, nahiya pa sila. Pasosyal kunwari, kunwari sila ay "Eeew I don't eat those kinda food". Pero deep inside, hahanap nalang sila ng mas liblib na lugar para walang masyadong makakita sa kanila.

    Wushu! That's what I call, "pacokya" (pa-conyong bakya)

    Tapos pabalik na ako dito sa shop, may mga nagbebenta ng pipino sa tabi-tabi. Naasar ako. Ang liliit. I won't enjoy that! Hanap nalang ako sa satellite market ng matatabang pipino. Ay, bakit parang ang pangit pakinggan sa tenga ng "matatabang pipino".

    Gusto mo suminga?

    November 11, 2004 Extra Ako sa ABS-CBN!
    Posted at 05:53 PM

    Yesterday, my friend, my sister and I had to go to Hotel Reneca for a job interview. My friend told me they were hiring usherettes for the grand opening of this certain gasoline station. Natuwa naman daw ako dahil 1000 for one day ang bayad. San ka ba makakapulot ng sang libo diba? So go for it!

    When we arrived at Hotel Reneca, aba iba ang sinabi sa amin. "Hi, kayo po ba yung talents?"

    TALENTS?!! Tama ba itong pinasukan ko. Then dun ko lang na-realize na naisahan na pala kami ng kapatid ko. Audition pala yun as an extra for ABS-CBN's WANSAPANATAYM! Nahiya kami so we did well nalang during the audition. Aba, pera din naman yun.

    Nag-throw kami ng lines with this girl. The lines went like:

    "Kami lang naman ang girlfriends ng boyfriend mong boyfriend ng bayan."

    Basta hindi ko na maalala yung ibang lines. Si Onemig Bondoc ang makakasama namin and siya yung playboy. Hahahaha. Lima lang ang pinili nila para sa role na mga babae ni Onemig. Nakuha yung sister ko and yung friend ko sa limang yun.

    Ako naman, sa wedding entourage ako nakuha. Pero ang alam ko, hindi na sa Wansapanataym yun. With John Pratts daw eh. Huwah?! They must be kidding me! But it's true anyway. Pera din naman yun. Kahit wala akong lines at least naman may bayad paren ang appearance ko. Bwahahaha.

    Tatawagan nalang daw nila kami sa call time. O diba, feeling artista. Hahahaha extra ako! Extra Ako! Extra ako!!!

    Bow.

    6 ang sinisipon.

    November 12, 2004 Day By Day?!
    Posted at 06:47 PM

    "Day by daaay.... Day by daaaay.... Day by day..... Daaaay byyyy day by day by day by day by day"

    Ampucha talaga yang commercial na yan. Nakaka-LSS!

    Eeeeeeeeeeeeeesh!!!!

    Gusto mo suminga?

    November 13, 2004 Noooooo!!!
    Posted at 07:07 PM

    Eeeeyargh! Hindi ako nakapunta sa shooting! Hindi kasi tinext sa akin ng sister ko kung saan ang venue. Nauna kasi siyang umalis. Nakakainggit. Onemig Bondoc had a scene with my sister in the woods na kunwari they were dating. Godang my sister sure is lucky. Ikaw banaman yakap-yakapin ni Onemig Bondoc? Then kausap mo siya for almost one whole day?! Whew. One lucky bitch. Hehehehe.

    Playboy kasi ang role ni Onemig so isa sa mga babae niya yung sister ko pati yung isa kong friend. Iba-iba yung mga places na pinuntahan nila - merong scene sa Burnham, sa The Mansion then sa woods malapit sa Mansion and then sa Mines View tapos yung last sa may St. Joseph na simbahan.

    Then si VJ Aya, pangit pala ugali nun, supladita. Pero magaling daw mag-act. And maganda siya.

    Next Sunday na daw ipapalabas yung episode na yon ng Wansapanataym. The title is "Ang Bride Kong Manikin" or something like that. Kung sakaling papanoorin niyo, sister ko yung kulot na maputi na bibigyan ng sunflower ni Onemig. Hahahaha. Pero shet nakakakilig yun.

    Eeeeesh! I should've been in that episode. Ngerkekekeke oks lang yun, at least may hati ako sa sweldo ng sister ko dahil ako ang nagsabit sa kanya.

    Sa December 3 may parating nanaman kaming rtabaho ni ate.

    Gusto mo suminga?

    November 13, 2004 Wanted: Cash
    Posted at 10:30 PM

    Chech out my wallet. Coins? Yes. Real Cash? None. Obvious bang wala akong pera. As in yung perang papel. Ni singko pesos nga hindi aabot ang coins ko. Para saken kasi, kapag may perang papel ka sa wallet mo, hindi ka malulungkot. Kahit pa benteng papel lang yan, masakit sa kalooban kong madukot o mahulog sa tabi habang nagbabayad sa dyip. Ang makita ang limang pirasong 25 centavos sa loob ng wallet ko ay napakasakit, parang naaawa ako sa sarili ko kapag ganon ang pangyayari... Well, madalas na pangyayari yan at hindi magtatagal masasanay na rin ako.

    Kwentong Kwarta:
    My sister and I happened to pass by a few street vegetable vendors beside Mcdonald's Session Road. My eyes spotted the one and only veggie it had been looking for since last week. Cucumbers. I was not able to drop by the supermarket or the marketplace for that precious veggie because I am godang busy with things that did not involve using my feet. I'm one lazy bitch. Eh sa tinatamad nga ko, wala akong magagawa kundi mag-antay na mag-grocery ang nanay ko.

    Lalapitan ko na sana ang mga dakilang pipino. Sumigaw ang utak ko. Hoy gaga! Wala kang pera! Nag-play bigla sa utak ko ang kantang Lose Yourself ni Eminem. May linya kasi doon na snap back to reality.

    That was it. Uminit na ang dugo ko at nasigawan ko ang grupo ng mga lalakeng ang bagal maglakad sa harapan namin. "Godamnit we're not in the moon!" Exact words yan. Sabi naman nung isang lalake, "Ano? Ano? Ano?". Bad trip. Kaya binilisan ko ang lakad ko at buti nalang nakarating na ako agad dito sa shop.

    Nagutom pa ang tiyan kong si Buknay. Gusto ko sanang bumili ng kanilang regular na burger sa Mcdo. Gademmet wala talaga akong pera.

    Tapos, hindi ko pa nabibili ang pinapangarap kong CD ng paborito kong banda. Ilang months ko nang pinangarap toh pero aneh, isang taon na akong walang buong 500 sa pitaka ko.

    I blame Buknay and my katamaran for this misfortune. Sabi ng nanay at tatay ko, 50 pesos nalang daw ang allowance namin araw araw kasi naman daw tuwing breaktime pwede namin silang i-meet para kumain. Eh lintek, tinatamad ako lage na i-meet sila kaya I end up eating sa tambayan. Ubos ang 50 pesos instantly. Minsan pang nag-attempt akong mag-ipon at naglalagay ako ng bente araw araw sa alkansya ko. Wala na yung ipon kong iyon, kinuha ko na agad kahit hindi pa umaabot ng sangdaan dahil nagkautang ako dahil sa pagkain. Shame on me. Tsk tsk tsk.

    Then hindi ko pa nabibili ang pinapangarap kong kandila para sa mga daily rituals ko. Kandila na ngalang hindi pa mabili. Ano ba yan.

    Hindi ko pa nabibili ang hikaw na plano kong bilhin ilang buwan na ang nakalipas.

    Maybe I just want too much. Pero no. A CD, a few candles, a pair of earrings, a year supply of cucumbers and a bunch of food in front of me? Is that too much?

    Gusto mo suminga?

    November 17, 2004 My Resurrected Friend
    Posted at 06:58 PM

    He was given a second chance to live.

    He imparted to us his story last night. Grabe pala ang nangyari sa kanya.

    Here's his story.

    March 12, 1999 in Zamboanga. Jun's bestfriend knocked on the door of his home - humihingi ng tulong. May nakaaway daw siya from the Islam group. This bestfriend of his is a member of a fraternity called Apo Gama (ata yun). Siyempre gusto niyang ipagtanggol ang bestfriend niya, kinuha niya yung 9mm na gun ng dad niya. Yung bestfriend naman niya may dalang 45.

    So nag-motor silang dalawa lang papunta sa kalaban then they parked their motorcycles malayo-layo sa "site of action". Parating palang sila, eight men with armalites ang sumalubong sa kanila. Siyempre pinagbabaril sila. Ang masakit don, 8 bullets lang ang karga ni Jun non. So dumapa sila para hindi matamaan. Then nung tumalikod si Jun para makatakbo, he felt that somebody kicked him from behind - bala na pala yon. Naramdaman din niyang parang may pumitik sa ulo niya - bala rin pala yon. And may dumaplis na bala sa arm niya. Ang dami niyang tama ng bala sa katawan.

    He ran as fast as he could pero pa-side na pala ang takbo niya and he fell on the ground already unconscious. That was 3:00 in the afternoon.

    Na-comatose siya. The next day, March 13, (Birthday ko) binisita siya nung bestfriend niya na nakatakas sa barilan. Then exactly after nine months, December 12, 1999, nagstraight-line na ang ECG. Hinawakan ng dad niya yung kamay niya then sabi, "Sige Jun, magpahinga ka na". Iyak ng iyak yung mom niya. Babalutin na sana siya when he opened his eyes and asked her mom, "Ma, yung bestfriend ko?".

    Akala niya, kahapon lang lahat ng pangyayari. Hindi niya alam na nine months na pala siyang tulog. So when he asked his mom about his bestfriend, ang sagot is, "Nine months nang patay. Binaril siya sa ulo nung araw na binisita ka niya dito sa ospital."

    Grabe pala sa Zamboanga, may nakaaway lang, patayan na agad.

    But my friend lived to tell his story.

    Gwapo rin pala siya. Hehehehe. Yun ngalang kamuka din niya si Jesus kasi ang haba ng hair niya and meron din siyang balbas at bigote. Pero gwapo pa rin in fairness.

    And yes, Jesus talaga siya. Hindi lang niya kamuka si Jesus, pareho pa silang namatay ng 3:00 in the afternoon. Then nag-resurrect - yun ngalang wala pa siya sa heaven ngayon.

    Astigin ang itsura niya, akala mo tipong rocker na mahilig sa away-away. Pero bilib ako sa faith niya, nagro-rosary siya every night sabi ng bf ng sister ko.

    Umangkas pa ko sa kanya kagabi sa motorcycle niya. Ang saya pala pag rider ka. Hehe yun lang.

    Gusto mo suminga?

    November 19, 2004 Jericho Rosales
    Posted at 08:02 PM

    Dumaan sa harapan namin si Mr. Jericho Rosales kanina sa SM while we were dining at Mcdonald's. Katabi kasi ng Mcdo is yung Popeye's. Eh bumisita siya dun.

    My pretty sis called out his name. And then he smiled and waved and winked at her! Tapos lumingon pa ulit. Ehehehe, hindi kami star-strucked kaya yun.

    Ang gwapo pala niya. Wakekeke.

    2 ang sinisipon.

    November 20, 2004 Slapshock's Here
    Posted at 09:40 PM

    Wala lang, katatapos lang nung gig. Daan nalang daw sila Chi dito sa shop.

    Dun sila sa Hotel Veniz ngayon.

    Erk erk, ang gwapo ni Chi at Jamir kahit medyo far-out na sila ngayon.

    Sana hangout uli kami. Miss ko na maglaro ng CS kasama sila kahit isang beses lang nangyari yun.

    Gusto mo suminga?

    November 22, 2004 Wansapanataym
    Posted at 12:25 PM

    Manekeno pala yung title. My sister told me it was the bride who's supposed to be a manikin. Whatever. Hahaha. My sister was the one who was holding a sunflower there. Sa start lang siya nag-appear. Yung ka-date niya si Oemig sa woods and then binigyan siya ng sunflower. Wahehehehe.

    Then 300 ang bayad dun sa mga hindi nakita sa any of the scenes. Wahuhuhu. Okey lang pala kahit hindi na ako nakasali sa wedding scene.

    Ayun lang. Just having a break. I'm still wearing my white uniform. May kumanta pa ng "Day by day" habang naglalakad kami. Wag nga sila, hambalusin ko sila ng Surf diyan eh.

    Gusto mo suminga?

    November 22, 2004 Lincoln and Kennedy Coincidences
    Posted at 06:16 PM

    My friend told me about this stuff so I searched it up and here it is. Interesting.

    Abraham Lincoln was elected to Congress in 1846.
    John F Kennedy was elected to Congress in 1946.

    Lincoln was elected President in 1860.
    Kennedy was elected President in 1960.

    The names Lincoln and Kennedy each contain seven letters.

    Both were particularly concerned with civil rights.

    Both wives lost their children while living in the White House.

    Both Presidents were shot on a Friday.

    Both Presidents were shot in the head.

    Lincoln's secretary was named Kennedy.
    Kennedy's secretary was named Lincoln.

    Both were assassinated by Southerners.

    Both were succeeded by Southerners.

    Both successors were named Johnson.

    Andrew Johnson, who succeeded Lincoln, was born in 1808.
    Lyndon Johnson, who succeeded Kennedy, was born in 1908.

    John Wilkes Booth, who assassinated Lincoln, was born in 1839.
    Lee Harvey Oswald, who assassinated Kennedy, was born in 1939.

    Both assassins were known by their three names.

    Both names are comprised of fifteen letters.

    Lincoln was shot at the theatre named 'Kennedy'.
    Kennedy was shot in a car called 'Lincoln'.

    Booth ran from the theatre and was caught in a warehouse.
    Oswald ran from a warehouse and was caught in a theatre.

    Booth and Oswald were assassinated before their trials.


    5 ang sinisipon.

    November 22, 2004 My Real Dream
    Posted at 06:33 PM

    Sana naman, bago ako pumuntang California, magkaron man lang ng kahit isang album ang banda ko.

    Nakakalungkot naman kasing isipin na iiwan ko itong Pilipinas na wala man lang akong naitatak.

    And, gusto ko may kontribusyon din kami sa music industry ng Pinas. Yan talaga ang real dream ko. Pero minsan, kailangan mong isakripisyo ang isang bagay para mapasaya ang mga mahal mo sa buhay.

    2 ang sinisipon.

    November 25, 2004 Ako Ito Eh! Magpaka-Orig Naman Tayo.
    Posted at 08:03 PM

    One girl heard my band's demo songs and she commented about my voice. Na it's awful daw and everything. Na-appreciate niya yung mga original compos namin pero ako lang ata hindi niya na-appreciate. Ngiiiiiii.

    Totoo siguro but I'm alright with that. Pero napaisip tuloy ako. Anong ineexpect niya? Na tulad ng boses ko ang boses ng ibang bokalista diyan?

    No way.

    Marami akong hinahangaang vocalists diyan. As in sukdulang halos nahihiga ako sa floor kapag naririnig ko ng live ang mga paborito kong vocalists. Pero, pag ako na ang kakanta, ayokong makarating sa point na gagayahin ko ang mga ini-idolo ko. Sila yun eh, iba ako. I want to sing like nobody else but me. I have my own style when I sing like including high-pitched tones and stuff and making it go with the rock theme. Basta ganun. Ako ito eh.

    Ang dami kong bandang nakilala na gumagaya sa mga ini-idolo nilang banda. Magagaling sila. Pamatay. Pero ang mga original compositions nila ay halos katulad ng ibang sikat na banda diyan. Pati mga bokalista nila, kulang nalang ay isali sila sa isang Rock Star Look Alike Contest. Magkakamuka sila.

    Magpaka-orig naman tayo.

    Gusto mo suminga?

    November 27, 2004 Meningococcemia
    Posted at 05:37 PM

    I am not at all alarmed kahit dito ako nakatira sa Baguio. Bakit naman kasi puro yung mga namatay lang ang focus ng media. Meron din namang naka-recover sa sakit na yan.

    It's UNDER CONTROL. I'ts treatable. Sabi yan ng teacher namin who works for DOH. And it's already contained.

    Palakasin lang ang resistensya at observe good manners - as in takpan ang malaking bunganga kapag bumabahing at umuubo dahil sa droplets nakukuha ang sakit na yan.

    Gusto mo suminga?

    November 28, 2004 Tumatanda Na Tayo
    Posted at 08:39 PM

    While I was hanging out in my room, my eyes landed on my kindergarten picture in a frame that sat on top of my room's cupboard.

    Oh that kid, that kid used to have lots of dreams. None of those dreams came true. Well, the major dreams.

    Tumatanda na tayo, kahit naman sana may gawin akong makabuluhan sa buhay ko para naman hindi ko masawi ang mga pangarap ng batang iyon - yung batang ako.

    Kung titignan niiyo mga picture niyo nung bata kayo, parang ang daming regrets. Or ako lang yun?

    2 ang sinisipon.

    « 2004/10 | 2004/12 »