Tabulas.com
Facebook · Login · Register

Sliced Cucumbers

    home profile gallery links favorites content friends friends of archives




    18-year-old freak.
    Student Nurse.
    Rakista.
    Rock Band Vox.


    your name:

    url:

    your message:

    Currently Reading:






    cucumber
    cylindrical green fruit with thin green
    rind and white flesh eaten as a vegetable
    by a self-confessed cucumber freak.

    Listen to "Amber" of 311.

    Gusto ko itong song na toh.



    moon phases
     


    January 10, 2005 Petition na toh!
    Posted at 07:59 PM




    Nyakekekeke! Lurv this pic.



    Anyway, wala lang. Bad trip ako ngayon.

    Naka-post sa bulletin board kanina na hindi offered ang NCM 102 this summer. Eh bwisit pala sila hindi nalang sana nila kami pinag-capping at isinabay nalang kami sa batch before us.

    Bad trip! Eh gusto ko panaman makahabol sa board exam sa December 2006. Ineexpect kong nagtatrabaho na ko sa taong 2007. Meron nang nag-aantay na trabaho para sa aken.

    Gusto ko na ngang gumawa ng petition eh, kaya nilapitan ko si SB Gov, pag-aaralan daw muna niya yung program. Hay nako noh, kayang tapusin ang 102 ng summer promise, kahit 12 hours a day okey na yun saken. Makagraduate man lang ng October 2006 gagawin ko ang lahat.

    Punyeta kasi itong epal na boyfriend ng bestfriend kong si Tinay. Maitim ang dila, sabi niya 2007 na daw kami gragraduate. Eh lintek pala talaga siya, kinontra pa niya kasi kami. Shiyet.

    Muhhahahaa.

    O diba, parang baliw, biglang tumawa?

    Gusto mo suminga?

    January 10, 2005
    Posted at 07:39 PM

    Subject:
    free wiccan and witchcraft classes on jan.15,2004!

    Message:

    the story circle

    in cooperation with

    "majica eclectica" and

    "the manila witches mailing organization"

    invites wiccans and pagans to attend the event
    which will be held at the q.c circle. jan.15, 2004 at
    2:30 pm... free wiccan workshops and teachings!
    plus, occult supplies for sale! courtesy of majica
    eclectica charms and mystics...

    text the following numbers for infos:

    frozen depth- 09196512144

    shadow fog- 09205018950

    Lei- 09162484940

    the event is made possible by:

    -the story circle

    -majica eclectica charms and mystics

    -circle of the shadow sanctum coven

    -manila witches mailing organization

    Gusto mo suminga?

    January 8, 2005 Kwento lang.
    Posted at 03:13 PM

    Kagagaling kong nag-community sa may Ambongdolan, Tublay, Benguet. Two hours away lang naman from Baguio pero, lubak-lubak at hindi namin matakasan ang alikabok dahil jeep lang ang sasakyan namin na may driver na ayaw isara ang kanyang bintana.

    Pagdating sa destinasyon, pagbaba ng jeep... Holy mar of gah, brown na ang bagong community uniform. Hindi lang yon, pati buhok namin naging duster.

    Pero okey lang naman yung parusang yon. Ang kapalit: Maganda at malinis na ilog, or ilog ba yon, river rin ata yun eh.

    Then, a community folk invited us for dinner in her own American-style house. Tatanggi na sana kami pero bigla niyang inutusan ang kanyang helper na magluto ng FOOOOOOOOOD para sa 13 na tao. (Handang-handa na sana akong harapin ang malamig na adobo na ineexpect kong kainin namin sa staff house, pero dahil nga sa inimbitahan kaming kumain ng dinner dun sa bahay na yun, aba nalibre kami ng isteyt side na pagkain. muahahha)

    O diba, sa gitna ng bundok na pinaghirapan naming akyatin ni Nica para lang makahanap ng family na iinterviewhin, aba aba aba, promise ang ganda ng bahay na nakita namin. Inalok pa niya kami and sabi na dun na rin daw kami maligo. Naligo nga kami sa banyo niyang may bath tub! Grabe nga eh, feeling ko tuloy kagabi wala ako sa Benguet, feeling isteyts, pare!

    Anyway, alam kong hindi na mauulit ang pasarap na yon. Tignan ko nalang kung anong mangyayari next thursday, friday and saturday, pagbalik namin dun.

    Gusto mo suminga?

    December 30, 2004 For Hire Pala
    Posted at 05:37 PM

    Pumunta kaming Q.C. nung Dec. 26. Binisita ang aming kamag-anak. Pagpasok palang namin sa tumataginting na bahay, sinalubong na kami ng mga bati. Mga kamag-anak na galing isteyts, mga kamag-anak na nagtago at nagpakita ulit.

    Hindi ko talaga gusto ang humalik at mag-mano sa mga hindi ko ka-close. Ang dami pa nila ha. Nangawit na leeg ko sa kakastretch para humalik at magbeso-beso. Ang plastik ng dating, hindi ko man lang alam ang pangalan nila. Yung iba lang.

    Ang maganda lang naman sa mga ganitong pangyayari, instant money at instant sangdamukal na regalo.

    Nung nahalikan ko na ang lahat ng pwedeng halikan at i-mano, may nakita akong tumutugtog ng piano. Ang galing niya shet, talentadong pianistang bata pa para maging magaling. Basta ganun. Ano toh? Bagong kamag-anak nanaman? He looked a little older than me so I thought, pinsan ko lang siya. Malayong pinsan, siguro mga third or fourth cousin.

    Nagpapa-picture na kami at lahat, as in kaming lahat, parang family reunion. Lahat kami nasa may garden na at nagkakainan. Eh bat andun parin yung lalakeng yon, piano ng piano. Aba'y kahit magaling siyang mag-piano, kung wala naman siyang pakikisama sa mga kamag-anak niya, talagang maiirita ako sa kanya.

    Wala man lang tumawag sa kanya. Naisip ko tuloy, baka autistic na magaling mag-piano. Kasi napansin ko may katabi siyang babae sa piano. Baka, nurse or something.

    Siyempre, ang mga grown-ups, nagsimula nang gumawa ng munting cocktail party sa labas. Kami naman, nasa may living room, pinapanood ng grown ups sa labas kase may glass window kaya kita nila kami sa loob.

    Andun parin si piano boy sa loob, sa may living room nagpia-piano.

    At siyempre, nagka-ayaan magkantahan. Pinipilit ako ng isang tita ko. Eh, hindi ako kumakanta ng walang bayad. Bwahaha, parang bata. Sabihin ko lang daw sa nagpia-piano kung ano ang gusto kong kantahin. So kumanta ako ng dakilang "Waiting in Vain". Nakaharap ako sa sa glass window. Ang daming audience. Parang naging bar tuloy ang setting. Naka-mic pa ako kamo. At ang piano, naririnig din nila hanggang sa labas. Pagkatapos ng kanta, siyempre, clap clap clapping. Sabay abot ng 300 pesos sa akin ng tita ko. Bwahaahaha.

    Nasundan pa ng maraming songs yun, kumanta din yung iba, kaming tres marias na magpinsan, game na game sa kanta. Nakailang kanta kami, halos sangdaan na ata yun. Parang videoke bar, yung ngalang, piano lang ang tumutugtog. Hindi man lang napagod yung pinsan kong nagpiapiano.

    So inabot na kami ng 12 midnight. Holy mader, nagpiapiano parin ang mokong. Parang gusto ko nang i-abot sa kanya ang 300 na binigay sa akin ng Tita ko.

    Then uwian na. Dun ko lang nalaman na hindi ko pala siya pinsan. Pianista for hire pala siya. Ayun.

    Gusto mo suminga?

    December 24, 2004 Hoorai
    Posted at 06:36 PM

    Ampowcha ang sarap naman netong chipipay na candy na kinakain ko. Nakailan na rin ako. Try niyo!!!!

    Hoorai Crunchy Chocolate by Columbias.
    Basta chipangga lang eto.

    MERRY CHRISTMAS!!!!

    Gusto mo suminga?

    December 23, 2004 The Cave
    Posted at 06:34 PM



    "The Cave" by Tim Krabbe

    I liked how the story was sequenced. The story was about friendship, betrayal and how somebody could really manipulate you.

    Gusto mo suminga?

    December 20, 2004 Lugar Para Sa Katripan
    Posted at 10:05 PM

    Kagabi, naging disco house, restaurant, videoke bar, majhongan place, shot place, review center ang bahay namin.

    At ang kapal ng makapal na pagmumuka kong kumanta ng maraming beses sa harapan ng mga OJTs at attendants ng shop namin. With matching sayaw pa. Celine Dion pa ata yung kinanta ko. Ako'y isang hayop kagabi.

    Nakuha kong magyosi sa labas ng bahay kahit alam kong mahuhuli ako. Kinawayan ko pa si Manong guard.

    Pinagsabihan ako ng nanay ko na tigilan ko na ang pag-inom ko ng "Boracay" at punch sa harap ng mga bisita. Buti sana kung tumutungga ako. Hindi naman. Naka-dekwatro pa nga kong umiinom para poised eh!

    Sumayaw ako. Mukha akong butiking sumasayaw.

    Nasarapan sila sa cucumber ala kimchi ko. Wooh Yeah.

    Late nanaman ako nagising.

    1 ang sinisipon.

    December 18, 2004 Christmas Wish
    Posted at 06:50 PM


    Gusto mo suminga?

    December 18, 2004 Witch School
    Posted at 10:56 AM

    Might sound ridiculous or crazy or just corny... pero

    Nag-enroll ako sa Witch School!! Hehehehe.

    Apat ang kinuha kong subjects.

    Kahit na alam ko na ang basics, maganda parin magkaron ng formal training.

    2 ang sinisipon.

    « Newer · Older »